Monday, 29 February 2016

Adventure begins!


              

Ang Dahilayan Forest at Adventure Park sa Bukidnon ay isa sa pinaka magandang destinasyon na matatagpuan ditto sa ating bansa. Maraming mga palaruan at mga magagandang tanawin na makikta rito. Maraming mga tao ang dumadayo sa lugar na ito, maraming mga pamilya ang pumupunta rito dahil sa magandang lugar at klima rito.

Maari mong madala ang iyong pamilya, kaibigan at kasintahan para mamasyal dito sa Dahilayan. Ito ay isa sa pinaka magandang tanawin na maaaring pagpasyalan ng nakararami. Maraming mga rides ang maaaring makapagbigay ng aliw sa bawat indibidwal. At talagang hindi mo malilimutan ang iyong pagbisista sa lugar na ito.
Mga aktibidadis namatatagpuan ditto sa Dahilayan

Entrance Fee: 100
Sa halagang isang daan ay talagang makapag bibigay ito ng aliw hindi lamang sa mga bata kung hindi patina ang mga matatanda dahil sa mga tanawin at mga rides na matatagpuan dito. Marami rin silang iba’tibang mga palaruan nawalang bayad na pwedeng pagsaluhan ng pamilya. Mura lang din ang kanilang mga bilihin at hindi masakit sa bulsa.

Hindi kompleto ang iyong paglalakbay sa dahilayan forest park kung hindi mo nasubukan ang Zorb. Ang sasakay ay naka strapped sa loob ng giant contraption ito ay hugis bilog ginawa ito para ipagulong gulong ka pababa sa bundok. Itong ride na ito ay kilala sa pangalang astroorbit. Ang ideya nito ang ginaya sa Aqua Zorbit na nasaloob ka ng isangbilognaparang bola na may tubigsaloob. Nang ang bola ay pabababasabundok, ma slide kasaloob ng bola na nag eenjoy sa iyong nakakahilong paglalakbay. Hindi ito pwede sa mga taong may sakit sa puso at Claustrophobic na tao.


Ang 18-hole putting course ay bagay na bagay para sa pamilya para mag enjoy at makapag bond kayo. Ang lush course ay may mga magagandang tanawin na iyo talagang magugustuhan nang ikay nag hihintay para sa ibang paglalakbay. Ito ay maganda sa mga matatanda at para din sa mga bata, may mga ibat ibang sizes sa putt clubs available. 













Adventure Park

Sa bawat rides may mga bayad din, ito nag mga presyo:

Lahat ng rides – Zip Package: P600

-          Rope Course: P250
-          Dual zip: P250
-          Longest Zipline: P500
-          Dropzone: P500/ tao P750/pares
-          Flying Lizard: P250

Zip line ang pinaka sikat na Rides sa lahat. Nakilala rinangDahilayan Adventure park sa Zipline na tinaguriang pinakamahabana Zipline sa boung Asya. Nasa 4,700 talampakan above sea level .Sa lahat ng sasakay masususbukan ang iyong tinatawag na adrenaline rush. Nasahabanang 840 metro at may bilisna 90 kilometro/ oras. Dito masusubukan tagal ang iyong pag ka ikaw. Dito rin pwedi mong isigaw ang lahat ng gusto mong isigaw. Habang nasa rides ka. Masaya, nakaka takot, nakakakaba, halo halo ang mga emosyon na mararamdaman mo habang na sa kalagitnaan ka ng iyong pagsakay. Syempre, bawal dito sa ride na ito ang mga buntis, may hayblood, may sakit sa puso na mga tao, at yaong may mga kapansanan na kung saan mahihirapan. Napaka extreme kasi ng adbentyur naito kaya kung sasakay ka sa ride, ihanda ang sarili.

            Hinding-hindi Karin mag sisisi sa ride na ito. Sulit na sulit din pang barkada dahil maaring pares kayu na sumakay, ang isa sa kabilang kabli ang isa naman sa kabila. Masaya talaga. 



·       Huwag niyo ring kalimutang na bumisita sa kanilang Souvenir Shop upang bumili ng mga damit at iba pang mga bagay na maaring itago at ipamigay sa mga taong mahalaga saiyo. Marami kang pagpipilian sa Souvenir Shop. At huwag na huwag niyo ring kalimutang bisistahin ang kanilang mga preskong mga prutas at kanilang matamis na maisan mabibilisa gilid ng entrance area. At may horse back riding na naghahalaga ng dalawanpong piso lamang.At talagang hindi-hindi mo pagsisisihan ang iyong pagbisista at pagpunta dito sa Dahilayan Adventure  dahil marami kang mabubuong mga magagandang alaala kasama ang iyong pamilya, kaibigan at mahal sa buhay. Isa ito sa mga magagandang tanawin na dapat at kailangan bisitahin ng nakakarami.