Monday, 29 February 2016

Adventure begins!


              

Ang Dahilayan Forest at Adventure Park sa Bukidnon ay isa sa pinaka magandang destinasyon na matatagpuan ditto sa ating bansa. Maraming mga palaruan at mga magagandang tanawin na makikta rito. Maraming mga tao ang dumadayo sa lugar na ito, maraming mga pamilya ang pumupunta rito dahil sa magandang lugar at klima rito.

Maari mong madala ang iyong pamilya, kaibigan at kasintahan para mamasyal dito sa Dahilayan. Ito ay isa sa pinaka magandang tanawin na maaaring pagpasyalan ng nakararami. Maraming mga rides ang maaaring makapagbigay ng aliw sa bawat indibidwal. At talagang hindi mo malilimutan ang iyong pagbisista sa lugar na ito.
Mga aktibidadis namatatagpuan ditto sa Dahilayan

Entrance Fee: 100
Sa halagang isang daan ay talagang makapag bibigay ito ng aliw hindi lamang sa mga bata kung hindi patina ang mga matatanda dahil sa mga tanawin at mga rides na matatagpuan dito. Marami rin silang iba’tibang mga palaruan nawalang bayad na pwedeng pagsaluhan ng pamilya. Mura lang din ang kanilang mga bilihin at hindi masakit sa bulsa.

Hindi kompleto ang iyong paglalakbay sa dahilayan forest park kung hindi mo nasubukan ang Zorb. Ang sasakay ay naka strapped sa loob ng giant contraption ito ay hugis bilog ginawa ito para ipagulong gulong ka pababa sa bundok. Itong ride na ito ay kilala sa pangalang astroorbit. Ang ideya nito ang ginaya sa Aqua Zorbit na nasaloob ka ng isangbilognaparang bola na may tubigsaloob. Nang ang bola ay pabababasabundok, ma slide kasaloob ng bola na nag eenjoy sa iyong nakakahilong paglalakbay. Hindi ito pwede sa mga taong may sakit sa puso at Claustrophobic na tao.


Ang 18-hole putting course ay bagay na bagay para sa pamilya para mag enjoy at makapag bond kayo. Ang lush course ay may mga magagandang tanawin na iyo talagang magugustuhan nang ikay nag hihintay para sa ibang paglalakbay. Ito ay maganda sa mga matatanda at para din sa mga bata, may mga ibat ibang sizes sa putt clubs available. 













Adventure Park

Sa bawat rides may mga bayad din, ito nag mga presyo:

Lahat ng rides – Zip Package: P600

-          Rope Course: P250
-          Dual zip: P250
-          Longest Zipline: P500
-          Dropzone: P500/ tao P750/pares
-          Flying Lizard: P250

Zip line ang pinaka sikat na Rides sa lahat. Nakilala rinangDahilayan Adventure park sa Zipline na tinaguriang pinakamahabana Zipline sa boung Asya. Nasa 4,700 talampakan above sea level .Sa lahat ng sasakay masususbukan ang iyong tinatawag na adrenaline rush. Nasahabanang 840 metro at may bilisna 90 kilometro/ oras. Dito masusubukan tagal ang iyong pag ka ikaw. Dito rin pwedi mong isigaw ang lahat ng gusto mong isigaw. Habang nasa rides ka. Masaya, nakaka takot, nakakakaba, halo halo ang mga emosyon na mararamdaman mo habang na sa kalagitnaan ka ng iyong pagsakay. Syempre, bawal dito sa ride na ito ang mga buntis, may hayblood, may sakit sa puso na mga tao, at yaong may mga kapansanan na kung saan mahihirapan. Napaka extreme kasi ng adbentyur naito kaya kung sasakay ka sa ride, ihanda ang sarili.

            Hinding-hindi Karin mag sisisi sa ride na ito. Sulit na sulit din pang barkada dahil maaring pares kayu na sumakay, ang isa sa kabilang kabli ang isa naman sa kabila. Masaya talaga. 



·       Huwag niyo ring kalimutang na bumisita sa kanilang Souvenir Shop upang bumili ng mga damit at iba pang mga bagay na maaring itago at ipamigay sa mga taong mahalaga saiyo. Marami kang pagpipilian sa Souvenir Shop. At huwag na huwag niyo ring kalimutang bisistahin ang kanilang mga preskong mga prutas at kanilang matamis na maisan mabibilisa gilid ng entrance area. At may horse back riding na naghahalaga ng dalawanpong piso lamang.At talagang hindi-hindi mo pagsisisihan ang iyong pagbisista at pagpunta dito sa Dahilayan Adventure  dahil marami kang mabubuong mga magagandang alaala kasama ang iyong pamilya, kaibigan at mahal sa buhay. Isa ito sa mga magagandang tanawin na dapat at kailangan bisitahin ng nakakarami.

7 comments:

  1. June 15, 2016 nang ako ay nagtungo kasama ang mga kabarda ko sa Dahilayan Adventure Park sa Manolo Fortich, Bukidnon. Napakaganda ng lugar, talagang nakakapawi ng sama ng luob, init ng ulo, at iba pa. Sa tanawin pa lang nito para ka ng nakapunta ng baguio, totoo pa la ang sabi nila na ito ang little baguio ng Mindanao. Hindi na kami nagdalawang isip kung ano ang aming uunahin, kaya dumiretso kaming bumili ng promo package nila na ride all you can. Nasakyan ko ang lahat ng rides sa dahilayan kaya naranasan ko rin ang lahat ng takot at kaba na nadama ng mga taong nakasakay na rin noon. Isa ang karanasan ko sa Dahilayan sa mga hindi ko makakalimutang pangyayari sa buhay ko, kaya naman wala rin kaming humpay sa pagkuha ng mga litrato noong nang doon kami. Ako’y nabighani sa ganda ng paligid, sa preskong simoy at lamig ng hangin na parang hindi ko na gustong umuwi dahil sa kagandahan nito na hindi mo matatanggihang tingnan. At ako rin ay napaisip na sana ganito nalang ang lungsod kahit pa may problema akong isang dosena alam kong ginhawa ko’y mapapawi sa ganda ng aking paligid. Kaya naman lahat ng sulok nag Dahilayan ay aking pinuntahan, na kahit ang pambatang palaruan ay aking sinugod at nagpakabata din. Kay sarap balik-balikan ang lugar nato, buhay nga nman kay mahal nman ng gasto. Pero kung tutuosin, lahat naman ng perang ginasto ay bawing-bawi sa mga hindi malilimutang bagay na mararanasan mo sa Adventure Park. Ang Dahilayan Adventure Park ay isang lugar na talagang dapat dayuhin at ipagmalaki. Pangako ko sa sarili ko, muli akong magbabalik para sa ikalawang pagkakataon ng hindi mapantayang kasiyahan. Salamat Lou sa blog mo akoy muling napalingon sa mga ala-ala ko sa Dahilayan.

    MUECO, KARL REMBRANDT B.

    ReplyDelete
  2. Ilang beses na akong pabalik balik sa Dahilayan ngunit ramdam ko pa rin ang excitement sa mga rides at mga tanawin na makikita ko. Ang Dahilayan ay isang lugar na pang pamilya at pang barkada dahil maraming ka magagawa dito at siguradong magkakabonding talaga kayo ng mga kasama mo. Masasarap din ang mga pagkain dito. Kung di lng talaga malayo sa lugar na tinitirahan ko, siguradong pupunta ako dito kahit anong oras ko gusto. Tapos kung may problema ka, sakto ang lugar na ito upang makapig isip ng maayos. Isa ito sa mga lugar na pabirito ko at siguradong sulit ang oras niyo dito.

    ReplyDelete
  3. I miss Dahilayan! Wanna go back there again :)

    ReplyDelete
  4. Ang Dahilayan din ay tinaguriang Baguio dahil sa lamig na galing sa mga Puno na Pines na makapalibut rito. Nakakabihag din ang angking ganda ng tanawin kung saan kitang kita ang mg puno at malayo sa ingay at gulo na minsan sa syudad na raranasan natin. Napaka ideal ang lugar sa pag mumuni muni at pag rerelax. Taglay ng lugar na ito ang ambiance ng isang lugar sa pagrereflect sa mga bagay2.
    para sa akin napaka ideal ng lugar na ito sa pagsusulat. Hindi ka lang nag.eenjoy at naaliw sa mga view, kundi nakakapagpahinga rin ang iyong utak sa mga problema sa paaralan, sa trbaho at sa iba pang bagay na nakakapag pastress sayo. Tunay ngang #itsmorefuninDAHILAYAN.

    ReplyDelete
  5. sa dahilayan ito ang pinaka magandang lugar na napuntahan ko sa balat ng lupa. kung hindi pa kayo nakapunta dito punta na kayo! marami kayong makikita na hindi niyo pa nakikita sa inyong mga buhay! ang dahilayan ay ang isa sa mga pinakamagandang lugar na napuntahan ko. ito ay nakakapawala ng stress at pagod. napakaganda ng mga tanawin at ang mga rides! kung hindi pa kayo nakasakay ng rides kagaya ng zipline o dropzone. sakay na kayo. para maranasan niyo kung gano ka ganda ang dahilayan! #DahilayanFEVER #DahilayanForever

    ReplyDelete
  6. Nakakarefreshing at nakakawala ng stress! DABEST! #Dahilayan

    ReplyDelete
  7. Amg ganda talaga diyan sa dahilayan nakakawala ng stress kahit matagal na akong di naka punta dun gusto kong bumalik dun at mag enjoy ulit nakakawala kasi ng stress kahit nakakapagod pero ang saya padin sarap bumalik dun para maka sakay ulit sa ibat ibang rides #DAHILAYAN<3

    -Prayeo A. Mancilla Jr.

    ReplyDelete